Sa Kalyna Care ang iyong istorya at mga tradisyon ay bahagi ng paraan ng iyong pamumuhay. Nagiging mas madali ang buhay para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang mga taong nakakakilala at nakakaintindi sa iyo.

Matatagpuan sa Kanluran ng Melbourne, naiintindihan ng Kalyna Care ang iyong mga pangangailangan para sa personal at may pagdamay na pangangalaga sa nakatatanda.

Ang Kalyna Care ay nagbibigay ng koneksyon sa iyong mga tradisyon at sa iyong pagkatao. Ang pagkain, lengguwahe, alamat, kasaysayan, minanang tradisyon at mga paniniwala ay bahaging lahat ng pagkakaroon ng koneksyon sa iyo at sa iyong istorya.

Kapag ikaw ay pumunta sa Kalyna Care irerekord namin ang iyong istorya para sa iyo at sa iyong mga pamilya at kasabay nito ang aming paraan upang makilala ka at kung paano ka maikokonekta sa iyong pinagmulang mga tradisyon.

Ang pasilidad ay mayroong isang Europeong kapaligiran at karamihan sa aming mga tauhan ay nagsasalita ng dalawang lengguwahe. Ang Kalyna Care ay nag-aalok ng isang hanay ng mga mapagpipilian sa estilo ng pamumuhay at ito ay ligtas para sa mga tao na magpalibut-libot. Ang gusali ay may central heating at lahat ng pampublikong mga lugar ay may air condition.

May naaangkop na panlabas na mga lugar para magsaya ang mga residente, mga kapamilya at kanilang mga kaibigan. Ang Kalyna Care ay proyekto ng Komunidad Ukrainian at habang marami sa mga tradisyon ay mula sa Ukrainia, marami pang ibang nakatira din sa Kalyna Care, tulad ng mga taong mula sa Poland, Germany, Austria and iba pang mga bansa.

Kultura at Espirituwal na Pamumuhay

Kami ay nagbibigay ng isang tahanang may kapaligirang base sa mga tradisyon ng Ukrainia at Europa. May pagkakataon ang mga residente na mapanatili ang lahat ng mahalaga sa kanila kabilang ang kanilang lengguwahe, misa sa lugar, mga eskursyon sa panlabas na mga kaganapang pangkomunidad, pagkain at muling pagsisimula ng mga pagkakaibigan.

Programang Panlibangan at Estilo ng Pamumuhay

Nasisiyahan ang aming mga residente sa iba’t-ibang programang panlibangan at estilo ng pamumuhay na nakapokus sa pagpapanatili ng kalusugan at kapakanan at mga tradisyon.

Ang aming mga Prinsipyo

Respeto
Pakikiramay
Suporta at Pagpapabuti
Pagiging Pribado at Dangal
Katarungan at Pagpapalakas ng loob
Pagkahabag
Pagpaparaya at Pag-unawa

Pangangalaga at Pagkakaroon ng kasama

Ang Kalyna Care ay nagbibigay ng tirahan, full board, personal na pangangalaga at 24 na oras na superbisyon. Kinakailangan ang isang tunay na pagtatasa mula sa Serbisyo ng Pagtatasa para sa Pangangalaga sa Nakatatanda (Aged Care Assessment Service) para sa parehong pamamahinga at permanenteng pagpasok sa Kalyna Care.

Hinihimok ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga residente na bumisita at makapaloob sa pag-aalaga sa kanilang mga mahal sa buhay na katulad ng kanilang ninanais na mangyari. Ang mga kamag-anak at iba pang mahalagang tao ay nakapaloob sa proseso ng pagpaplano ng pangangalaga at ang mga plano ng indibidwal na pangangalaga ay regular na nirerepaso kasama ang mga residente at/o ang kanilang kinatawan.

Ang kapwa mga residente at ang kanilang mga bisita ay makakapagrelaks at masisiyahan sa kapaligiran at mga pasilidad ng aming Home. Ang silid-kainan ay bukas sa mga bisita at ang mga pagkain ay maaaring makuha sa maliit na halaga sa pamamagitan ng naunang mga kaayusan.

Hinihimok din ang mga kamag-anak at kaibigan na iuwi ang mga residente sa tahanan o dalhin sa mga eskursyon at kung pahihintulutan ng kalusugan, ang mga residente ay maaaring magbakasyon kung nais nila.